Sara Duterte, nanguna rin sa huling April survey ng OCTA

Photo credit: OCTA Research fellow Dr. Guido David/Twitter

Katulad ng katambal na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., nanguna rin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa vice presidential race survey ng OCTA Research.

Sa inilabas na “Tugon ng Masa” survey results ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, nakakuha si Duterte-Carpio ng 56 porsyento.

Pangalawa sa survey si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakapagtala ng 22 porsyento.

Sumunod naman si Senador Kiko Pangilinan na may 16 porsyento, Dr. Willie Ong na may apat na porsyento, habang si Rep. Lito Atienza naman ay nakakuha ng isang porsyento.

Lumabas din sa naturang survey na 051 porsyento sa mga Filipino ang hindi pa alam ang iboboto, 0.07 ang walang iboboto, habang 0.1 naman ang tumanggi.

Ayon kay David, isinagawa ang OCTA Research Presidential Preference Nationwide Survey sa 2,400 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interview simula Abril 22 hanggang 25, 2022.

Read more...