OCTA: NCR, maaring makapagtala ng 1,000 kaso ng COVID-19 kada araw pagkatapos ng eleksyon

Maaring makapagtala ng 500 hanggang 1,000 na bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na kung walang pagkalat ng nakahahawang sakit, ang projection nila ay mananatili sa “low risk” category ang Metro Manila.

Sa ngayon, mas mababa o higit sa 100 kaso ang napapaulat kada araw sa NCR.

Ngunit kung magkaroon ng pagtaas ng kaso, posibleng makapagtala ng 500 hanggang 1,000 na kaso ng COVID-19.

Ani David, umaasa sila na hindi ito mangyayari sa bansa.

Kaya naman paalala nito sa publiko, maging maingat sa pagboto sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 9.

Read more...