Lamang na ang Oklahoma City Thunder sa serye ng NBA western conference finals kontra sa Golden State Warriors.
Ito ay matapos na tambakan ng Thunder ang Warriors sa game 3 sa iskor na 133-105.
Sa 3rd quarter ng laban, nakapagtla ang Thunder ng 45 puntos. Ito na ang pinakamataas na iskor na nagawa ng nasabing koponan sa kasaysayan ng NBA playoff.
Si Kevin Durant at Russell Westbrook ang nakapagtala ng pinamataas na puntos para sa Thunder.
Si Durant ay mayroong 33 points at 8 rebounds habang si Westbrook ay may 30 points, 12 assists at 8 rebounds.
Sa Warriors, tanging sina Steph Curry at Klay Thompson ang nakapagtala ng double digit na puntos para sa koponan./ Dona Dominguez-Cargullo
MOST READ
LATEST STORIES