Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 4.9 porsyento ang inflation noong nakaraang buwan.
Mas mataas ito kumpara sa apat na porsyento na naitala noong Marso at 4.1 porsyento sa kaparehong buwan noong 2021.
Sinabi ng PSA na ito na ang pinakamabilis na pagtaas ng inflation simula noong Disyembre ng taong 2018, kung saan nakapagtala ng 5.2 porsyento.
Nabatid na kabilang sa mga naging sanhi ng pagtaas ng inflation sa buwan ng Abril ang pagsipa ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.
MOST READ
LATEST STORIES