17 estudyante, patay sa sunog sa dormitoryo sa Thailand

By Dona Dominguez-Cargullo May 23, 2016 - 11:30 AM

fire-defaultNasawi ang labing pitong babaeng estudyante sa Thailand matapos masunog ang tinitirahan nilang dormitory habang sila ay natutulog.

Ayon kay Police Col. Prayad Singsin, commander ng Vongpatao district sa Thailand, nasunog ang boarding house na pag-aari ng isang private school.

Pawang mga edad tatlo hanggang labingtatlong taong gulang ang mga babaeng estudyante na naninirahan sa nasabing dormitoryo.

Ayon kay Singsin, ang mga nasawing estudyante ay nasa pagitan ng lima hanggang labing dalawang taong gulang.

Nasa 38 babaeng estudyante ang naninirahan sa nasabing boarding house na pawang residente mula sa malayong lugar ng Chiang Rai at Chiang Mai.

Bagaman may mga nailikas nang sumiklab ang apoy, ang mga nasawi ay na-trap sa loob ng dormitoryo.

Maliban sa labing pitong nasawi, mayroon pang dalawang nawawala./ Dona Dominguez-Cargullo

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.