82 na ang patay sa matinding pagbaha sa Sri lanka

By Dona Dominguez-Cargullo May 23, 2016 - 10:22 AM

Twitter Photo/CCTVNewsUmabot na sa 82 ang bilang ng nasawi sa nararanasang matinding pagbaha sa Sri Lanka.

Apektado sa nasabing pagbaha ang aabot sa 500,000 katao na inilikas mula sa kani-kanilang mga tahanan.

Ilang araw na kasing nakararanas ng malakas na pagbuhos ng ulan ang nasabing bansa.

Ayon kay Sri Lankan President Maithripala Sirisena, may mga natanggap na silang tulong mula sa international community, kabilang na ang suplay na inihatid ng Indian Air Force at Indian Navy ships.

Batay sa ulat, nasa 118 na katao pa ang pinaghahanap.

Sa datos ng Disaster Management Centre (DMC) ng Sri Lanka, aabot sa 21 mula sa 25 distrito ang labis na naapektuhan ng pagbaha at landslides./ Dona Dominguez-Cargullo

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.