Belgica, ayaw munang makisawsaw sa isyu ng korupsyon vs. BBM

Photo credit: PACC chairman Greco Belgica/Facebook

Ayaw na munang makisawsaw ni senatorial candidate Grego Belgica sa isyu ng korupsyon na kinasasangkutan ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay Belgica, panahon ng eleksyon kung kaya tiyak na magsisiraan ang mga kandidato.

Lahat naman aniya ng kandidato sa pagka-pangulo sa bansa ay pinupukol ng isyu ng koruosyon.

Kahit aniya ang mga corrupt na kandidato ay nagiging anti-corruption kapag panahon ng eleksyon.

Pero ayon kay Belgica, kung papalaring manalong senador sa eleksyon sa Mayo 9, ipatutupad niya ang batas, lalo na kung mayroon ng ruling ang korte laban sa mga Marcos.

Dapat kasi aniyang managot sa batas ang mga nangurakot sa pondo ng bayan.

Matatandaang mayroon nang kautusan ang Supreme Court na bawiin ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Read more...