Hirit na prangkisa ni Atong Ang sa Kongreso, patay na! – SP Sotto

By Jan Escosio May 04, 2022 - 08:58 AM

Senate PRIB Photo

“Franchise is dead.”

Ito ang maigsing tugon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kaugnay sa aplikasyon sa prangkisa ng isang kompaniya ni gambling consultant Atong Ang.

Ayon naman kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kulang na sa panahon para matalakay pa ang prangkisa at bunsod na rin nang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng online sabong sa bansa.

Bahala na aniya ang susunod na administrasyon kung bubuhayin pa muli ang kontrobersyal na sugal.

Ito rin ang posisyon ni Sen. Grace Poe sa pagsasabing hindi dapat madaliin ang pagtalakay sa prangkisa.

Hindi rin dapat minamadali ang usapin, ayon kay Sen. Koko Pimentel.

“Ano ba talaga ang epekto ng legalization ng ibat-ibang uri ng sugal tulad ng e-sabong? ‘Wag madaliin. Mas mabuti siguro ipa-desisyon na’to sa bagong papasok na Kongreso,” sabi pa ni Pimentel.

TAGS: AtongAng, BatoDelaRosa, Esabong, GracePoe, InquirerNews, KokoPimentel, OnlineSabong, RadyoInquirerNews, TitoSotto, AtongAng, BatoDelaRosa, Esabong, GracePoe, InquirerNews, KokoPimentel, OnlineSabong, RadyoInquirerNews, TitoSotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.