Duterte, Putin posibleng maging magka-kosa

By Chona Yu May 04, 2022 - 09:01 AM

Hindi isinasantabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng maging ka-kosa o magkasama sa kulungan si Russian Presidsnt Vladimir Putin.

Ito ay dahil sa parehong nahaharap sa kasong human rights violation sina Pangulong Duterte at President Putin.

Sa pangangampanya ni Pangulong Duterte sa mga kandidato ng PDP-Laban sa Cainta, sinabi nito na maaring makulong sila ni Putin.

Kinasuhan si Pangulong Duterte ng human rights violation sa International Criminal Court (ICC) dahil sa madugong anti-drug war campaign habang si Putin naman ay dahil sa ginawang pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Paliwanag ng Pangulo, mga kriminal lamang ang kanyang pinapatay habang si Putin ay mga ordinaryong sibilyan gaya ng mga bata, babae, matatanda at iba pa.

Makailang beses nang sinabi ng Pangulo na matalik na kaibigan na ang turing niya kay Putin.

TAGS: HumanRightsViolation, ICC, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, VladimirPutin, HumanRightsViolation, ICC, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, VladimirPutin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.