Bocaue LGU nag-aalok ng ‘ghost housing project’ – urban poor group

By Jan Escosio May 03, 2022 - 10:04 PM

Binatikos ng isang urban poor organization ang pamahalaang-lokal ng Bocaue sa Bulacan dahil sa pag-aalok ng programang pabahay na anila ay malaking kalokohan.

Sinabi ni Val Cruz, program coordinator ng Piglas Maralita, malinaw na ginagamit lamang ng mga lokal na opisyal ang programang pabahay ngayon eleksyon para makakuha ng boto.

Paliwanag nito, wala pang memorandum of agreement (MOA) sa National Housing Authority (NHA) para sa sinasabing proyektong pabahay sa Barangay Batya.

“Paano ito mapapatayuan ng pabahay para sa sinasabi nilang mga benipesaryo kung hindi pa hawak ng Bocaue LGU ang titulo?” ang makabuluhang tanong ni Cruz.

Aniya hindi pa naililipat sa pamahalaang ang titulo ng lupa na pamahalaang-lokal, bukod sa hindi pa ito naire-reclassify bilang residential mula sa pagiging agricultural.

Nabanggit din ni Cruz na hindi din malinaw kung sino ang maaring maging benipesaryo ng programa

“Wala pa rin silang sinasabi na requirements at walang forms,” dagdag pa nito.

Nabatid na hindi pa rin naipapaliwanag ang halaga ng downpayment at ang magiging buwanang bayad ng mga mabibiyayaan ng pabahay.

“Lantarang inilalako sa maralita ang proyektong pabahay basta iboto lamang ang kanilang koponan ngayon halalan 2022,” giit pa ni Cruz.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.