Robes couple number 1 sa survey

By Chona Yu May 03, 2022 - 05:00 PM

Bilib at kontento ang mga mamamayan ng San Jose Del Monte City, Bulacan kina Rep. Rida Robes at Mayor Arthur Robes.

Ito ang lumabas sa isang survey kamakailan kung saan tinanong ang may 800 na taga-San Jose Del Monte tungkol sa “job satisfaction” at “favorability” ng mag-asawang Robes.

Batay sa survey tungkol sa “job satisfaction” o kung nagagampanan ba ng dalawa ang kanilang mga tungkulin, si Rep. Robes ay nakakuha ng 79%. Lumalabas na walo sa 10 mga taga-San Jose Del Monte ay kuntento sa kanyang trabaho bilang kinatawan ng lungsod sa Kongreso.

Bukod dito, ukol sa “favorability” o pagpabor, si Rep. Robes ay nakakuha ng 85 percent sa unang distrito at 81 percent sa ikalawang distrito, o 83 percent sa buong lungsod.

Sa kabilang banda, si Mayor Robes naman ay nakakuha ng 86% sa “job satisfaction,” o katumbas ng halos siyam sa 10 mamamayan ay naniniwala na nagagampanan nya ng maayos ang kanyang tungkulin.

Sa “favorability” naman, si Mayor Robes ay nakapagtala ng 89%, o katumbas ng siyam sa 10 mamamayan ng San Jose Del Monte.

Sina Rep. Robes at Mayor Robes ay umani ng papuri dahil sa kanilang mga nagawa upang ang San Jose Del Monte ay maging isa sa progresibong lungsod sa Central Luzon.

Si Rep. Robes ay tumatakbo muli sa eleksiyon bilang kinatawan ng San Jose Del

 

TAGS: Bulacan, Mayor Arthur Robes, news, Radyo Inquirer, Rep. Rida Robes, Bulacan, Mayor Arthur Robes, news, Radyo Inquirer, Rep. Rida Robes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.