Jaclyn Jose itinanghal na best actress sa Cannes Film Festival

By Dona Dominguez-Cargullo May 23, 2016 - 06:51 AM

Twitter Photo/Festival_Cannes
Twitter Photo/Festival_Cannes

Nagwagi ang aktres na si Jaclyn Jose bilang best actress sa Cannes Film Festival sa France.

Ito ang unang pagkatataon na nakapag-uwi ng nasabing karangalan ang bansa mula sa maituturing na isa sa pinakamalalaking film festival sa mundo.

Nagwagi si Jose ng best actress para sa pelikulang “Ma Rosa” ni Brillante Mendoza kung saan ginampanan niya ang papel ng isang nanay na naaresto dahil sa pagbebenta ng droga.

Kasama ni Jose na umakyat sa stage para tanggapin ang kaniyang award si Mendoza at anak na si Andi Eigenmann.

Sa kaniyang speech, sinabi ni Jose na labis siyang nasorpresa sa pagkapanalo.

Pinasalamatan din nito si Mendoza na tinawag niyang tunay na “Brillant Director”.

Taong 2009 nang manalo din si Mendoza sa Cannes bilang best director para sa pelikulang “Kinatay”./Dona Dominguez-Cargullo

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.