Nagsanib puwersa ang tigasing breeders na sina Dennis Samsom at Ramon Mansenares upang pupugin ng kanilang warriors ang solo champion sa katatapos na 3rd Edition ng “Basagan ng Pula” 12-Cock derby na binitawan sa Lipa City Arena sa Batangas.
Gamit ang entry name na Mescaleros Tito Den RM Jepoy, umiskor ito ng 9.5 points sapat upang hamigin ang tumataginting na P30M premyo sa event na binansagang “The Ultimate Explosive Event” na napanood lahat ng sultada sa Pitmaster Live na pinamumunuan ng respetadong sabungero na si Charlie “Atong” Ang.
Kabilang sa mga tinalo ng Mescaleros Tito Den RM Jepoy sa three-day derby na nagsimula noong April 29 hanggang May 1 ay ang tigasing si Edwin Tose.
Inamin ni Samson sa interview ng Sabong On Air ni Ka Rex Cayanong na ang mga ginamit nilang bloodline ay mga Sweater na crossed sa Gilmore at halos mga 3 1/2 taon na ang edad ng kanilang warriors.
“Ilang buwan po namin hinanda ‘yung mga panlaban namin kasi hindi basta basta ang mga kasali magagaling ang mga kalaban.” saad ni Samson na 13 anyos pa lang ay nahilig na ito sa sabong at naging impluwensya sa kanya ang kanyang Ama at mga kapatid.
Ayon kay Samson, tiyaga, sipag at determinado ang dapat gawin para makamit ang inaasam na tagumpay sa pagmamanok at kailangan bigyan ng tamang pansin at oras ang mga panlaban
Mga nakatuwang nina Samson at Mancenares ay sina Bebot Jaspe (Handler) at Norman De La Penia (Gaffer).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.