E-sabong ipinatigil na ni Pangulong Duterte

 

Pinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong sa bansa.

Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na sinang-ayunan niya ang rekomendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año kaugnay sa social cost na dulot ng e-sabong.

“The recommendation of Sec. Año is to do away with e-sabong.  It’s his recommendation and I agree with it, e-sabong will end by tonight, bukas, lalabas ito bukas,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, inutusan niya si Año na magsagawa muna ng survey kaugnay sa social impact ng online sabong.

“So ginawa ni Sec. Año ang trabaho niya, he reported and validated yung naririnig ko. Yung amin naman sana, buwis lang ang hinahabol namin dito, sinabi ko na sa inyo P640 million is P640 million but may naririnig na ako, loud and very clear to me that it was working against our values,” pahayag ng Pangulo.

“And yung impact sa pamilya pati sa tao e ang labas, di na natutulog yung mga sabungero” dagdag ng Pangulo.

 

 

Read more...