Pangasinan at Quezon, magkasunod na niyanig ng lindol ngayong umaga

Magkasunod na nakaranas ng mahinang pagyanig ang bayan ng Sual sa Pangasinan at Burdeos sa Quezon ngayong umaga.

Alas 4:39 ng umaga kanina (Lunes, May 23) nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 2.8 na lindol sa Sual, Pangasinan.

Ang nasabing pagyanig ay sinundan naman ng magnitude 2.5 na lindol sa Burdeos, Quezon alas 4:40 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, kapwa tectonic ang origin ng dalawang lindol at hindi inaasahang magdudulot pa ito ng aftershocks.

Wala ring naitalang intensity bunsod ng nasabing mga pagyanig./ Dona Dominguez-Cargullo

 

Read more...