Rose Lin bingo na sa guns, gold at goon

May 02, 2022 - 06:44 PM

Contributed photo
Lumarga na ang kapulisan sa pagiimbestiga kay 5th District of Quezon City congressional candidate, Rose Lin. Patungkol naman ito ngayon sa umano’y paggamit nito ng private army sa kanyang pangangampanya. “We are validating reports regarding the information, we will take action, we will pursue them if it’s true,” ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. General Remus Medina. Sinimulan na nilang alamin kung sinu-sino ang mga indibidwal na sinasabing kabilang sa security ni Lin. Dagdag pa ni General Medina na may kakaharaping kaso si Lin kung mapatunayang kabilang sa private armed group ang mga ito. Ayon naman kay PNP Director for Operations Police Major General Val de Leon na tumatayong Deputy Commander ng Security Task Force on National and Local Elections, “Kung mga ito ay naga-act as bodyguards, then they are covered with several policies of the PNP, as well as the Comelec tulad ng kung sila ay nag-employ from a private detective agency. They still need an authority from the PNP.” Sa bawat baba ni Lin, na naka-live pa sa kanyang Facebook page, hindi bababa sa walong bodyguards na pawang mga armado ng baril ang kasa-kasama ni Lin. Bukod pa ang mga ito sa mga security personnel na nakatalaga sa mga headquarter nito. Kasama sa paghihigpit ng Comelec ang pagbabawal sa maraming security escorts ngayong campaign period. Dalawa lamang ang pinahihintulutang security detail sa bawat local candidate. Ayon na rin ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nauna nang nahainan ng dalawang subpoena si Lin ng Comelec tungkol sa kaliwa’t kanang alegasyon ng vote-buying. Nakatakda sa May 6 at 16 ang preliminary investigations para sa mga kasong ito kung saan pinasasagot si Lin tungkol sa pamumudmod ng pera ngayong eleksyon na nagkakahalaga ng 500-1000 piso. Si Lin ay nakilala sa kanyang pagkakasangkot sa Pharmally na diumano ay tumabo ng multi-billiong kontrata sa gobyerno noong panahon ng pandemya. Siya ay asawa ni Lin Wei Xiong, ang Financial Manager ng maanomalyang kumpanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.