JV Ejercito, umakyat sa pang-siyam na puwesto sa huling Pulse Asia survey

By Chona Yu May 02, 2022 - 06:30 PM

Photo credit: Former Sen. JV Ejercito/Facebook

Patungo na si dating Senador Senator Joseph Victor “JV” Ejercito sa pag-secure ng safe spot sa senatorial race, batay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey.

Makaraang pumang-14 noong February survey at pang-12 noong Marso, umakyat si Ejercito sa ika-siyam na puwesto sa April 16 hanggang 21, 2022 survey ng Pulse Asia.

Bilang isa sa best performing candidates sa senatorial election, gumaganda ang standing ng dating senador sa iba’t ibang surveys simula nang mag-umpisa ang national campaign period noong Pebrero.

Noong Marso ay umakyat sa ika-pitong puwesto si Ejercito sa March 5 hanggang 10 survey ng OCTA Research. Sa nakalipas na February 12 hanggang 17 survey ng OCTA ay pang-12 ang dating senador.

Samantala, pang-pito rin siya sa most preferred senatorial candidate sa SWS survey na isinagawa noong February 25 hanggang 28, habang pang-walo sa Pulso ng Pilipino senatorial survey ng Issues and Advocacy Center simula March 7 hanggang 13.

Bago ang campaign period, nasa pang-13 hanggang 18 si Ejercito sa karamihan ng senatorial surveys.

Ang endorsements ng ilang presidential candidates, gaya ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ilan pang mga kandidato mula sa iba’t ibang lalawigan ang inaasahang magpapalakas pa sa kandidatura ni Ejercito habang papalapit ang May 9 elections.

Pinasalamatan naman ni Ejercito ang kanyang mga kaibigan, colleagues at supporters sa pagtulong sa kanya sa kabila ng kanyang mahirap na pangangampanya.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, JVEjercito, OurVoteOurFuture, pulse asia, PulseAsia, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, JVEjercito, OurVoteOurFuture, pulse asia, PulseAsia, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.