1,399 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo

By Angellic Jordan May 02, 2022 - 04:10 PM

Nakapagtala ng 1,399 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang May 2, 2022, base ito sa naitalang datos simula Abril 25 hanggang Mayo 1, 2022.

Mas mababa ito ng limang porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Abril 18 hanggang 24.

Nasa 200 naman ang daily average cases.

Samantala, walang bagong severe and critical cases habang 215 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 16.3 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 3,998 sa 24,521 non-ICU beds ang gamit.

16.1 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 456 sa 2,830 ICU beds ang gamit.

Nasa 723 naman ang severe and critical admissions, o 13.4 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.