P500 buwanang ayuda sa mga indigent senior citizens, solo parents at PWDs sa Quezon City kasado na
Makatatanggap na ng buwanang P500 na ayuda ang mga indigent senior citizens, solo parents, person with disabilities sa Quezon City.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, isang taon na matatanggap ang ayuda.
Ayon kay Belmonte, inaprubahan ng lungsod ang Ordinance No. SP-3115, S-2022 para matulungan ang mga indigent senior citizens, solo parents at PWDs na makaagapay sa pandemya sa COVID-19.
“Isa itong paraan para mapagaan ang epekto ng pandemya at pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na sa mga senior citizens, solo parents at PWDs,” pahayag ni Belmonte.
“Malaki ang maitutulong nito para sa kanilang araw-araw na gastusin sa pagkain, gamot at iba pang pangangailangan,” dagdag ng alkalde.
Ayon kay Belmonte, matapos ang isang taon, pag-aaralang muli ng lokal na pamahalaan kung mananatiling eligible ang mga benepisyaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.