Pagkamatay ng 5 katao sa MOA concert, misteryo pa rin

By Jay Dones May 23, 2016 - 04:55 AM

 

Mula sa Instagram

Sinimulan na ang Pasay City police ang imbestigasyon sa misteryosong pagkamatay ng lima katao sa gitna ng Close Up Forever Summer Concert sa Mall of Asia grounds Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa Pasay City police, sinisilip nila ang bawat anggulo sa pagkamatay ng mga biktimang sina Ariel Leal, 22; Lance Garcia, 36; Bianca Fontejon, 18; Ken Migawa, 18, at American na si Eric Anthony Miller, 33.

Kabilang na rito ang posibilidad ng dehydration, heatstroke o mga dati nang karamdaman ng mga biktima.

Iniimbestigahan din ng mga otoridad ang mga balitang lumutang sa social media na umano’y nagkalat ang inuming may halong droga sa concert.

Gayunman, iginiit ni Chief Insp. Rolando Baula ng Pasay City police masyado pang maaga upang nakumpirma ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.

Hiniling din ng Pasay Police sa bumuo ng naturang concert ang kumpletong listahan ng mga concessionaire na nagtinda ng inumin at iba pang pagkain sa loob ng concert grounds. Ang lima ay kapwa nag-collapse sa gitna ng concert sa MOA bagama’t hindi naman magkakasama at hindi magkakilala ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.