Pagtanggap ng second dose booster vs. COVID-19, kailangan – Legarda

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Nagpaalala si senatorial candidate Loren Legarda na sinimulan na ang pagbibigay ng pangalawang booster shot kontra COVID-19 sa mga Filipino na immunocompromised sa mga may edad 18 taong gulang pataas.

Dapat aniyang magpabakuna ng second dose booster ang lahat ng immunocompromised dahil mas kumpleto ang ebidensiya na epektibo ito panlaban sa nakahahawang sakit.

Sinimulan ng Department of Health (DOH) ang second booster shot sa immunocompromised individuals sa naturang age group sa Metro Manila nooong Abril 25.

Bilang chairperson ng New Normal Sub-committee of the Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee at bilang may akda at sponsor ng Better Normal bill, itinutulak ng mambabatas ang panukalang batas na layong magkaroon ng komprehensibong paglalatag ng alituntunin na dapat sundin sa lahat ng pampublikong lugar, opisina, at paaralan habang hindi pa tuluyang nawawala ang nakamamatay na virus sa bansa.

Sa naturang panukala, sinabi ni Legarda na responsibilidad ng gobyerno na magsagawa ng libreng distribusyon ng mga face mask at bakuna para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Read more...