Jusko po, Inay, si Almarinez na po!

By Chona Yu May 02, 2022 - 01:53 PM
SAN PEDRO CITY, LAGUNA. – Ito ang sabayang sigaw ng mga taga-suporta ni Dave Almarinez, tumatakbong kongresista ng unang distrito ng Laguna, sa kanilang patuloy na pangangampanya isang linggo bagon ang halalan sa May 9. Kasama ang mga volunteers sa Dave Almarinez Movement, walang humpay ang pakikipagsalamuha ng mag-asawang Dave at Ara Mina sa mga residente sa lahat ng barangay San Pedro City. Higit pa sa mga ngiti, pangungumusta at pagbibigay-tulong ng mag-asawa, sinabayan din ng mga kabataan ng sigaw na, “Jusko po, Inay, si Almarinez na po sa kongreso!” Masayang kinalampag ng kanyang mga taga suporta at patuloy na iniikot ang buong lungsod para siguruhin ang kanyang panalo. Pinili ko si Dave dahil nakita ko paano nya gabayan ang kanyang mga taga suporta na alagaan ang kanyang reputasyon dahil ang kanilang mga gagawin at sasabihin ay nagsasalamin sa kanyang liderato, ani Abet Buenavista, isang masugid na taga-suporta. “His pagiging gentleman at urbanisado pati na din ng kanya mga taga-suporta at kanyang pagkilala at pag respeto sa aming mga ordinaryong tao ay ang ilan lang sa madaming katangian na hinangaan ko sa kanya,” dagdag ni Buenavista. Patuloy ang pangunguna ni Almarinez sa ginagawang local survey sa pagka-kongresista ng San Pedro City. Bago tinahak ang daan patungong kongreso, naging No. 1 na bokal sa Almarinez ng Laguna sa tatlong sunod-sunod na pagkakataon.

TAGS: congressman, Dave Almarinez, laguna, news, Radyo Inquirer, congressman, Dave Almarinez, laguna, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.