BBM, nangunguna pa rin sa 2022 elections presidential preference ng Pulse Asia

Photo credit: Pulse Asia website

Pitong araw bago ang halalan sa Mayo 9, nanatili si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nangunguna sa presidential race survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Base sa lumabas na resulta ng April 2022 Pulso ng Bayan Pre-Electoral national survey, nakakuha si Marcos ng 56 porsyento.

“The latter registers majority voting figures in most geographic areas (54% to 67%) and all socio-economic classes (56% to 57%). In the Visayas, less than half of votes (47%) express support for the presidential bid of the former lawmaker,” saad ng Pulse Asia.

Sumunod kay Marcos si Vice President Leni Robredo na may 23 porsyento.

“Although there is a 9-percentage point increase in the latter’s voter preference in Metro Manila and a 6-percentage point decline in her voting figure in the rest of Luzon from March 2022 to April 2022, these movements fall short of being significant given the relevant error margins for these subgroupings,” dagdag nito.

Pangatlo naman sa survey si Senador Manny Pacquiao na pitong porsyento, sumunod si Manila City Mayor Isko Moreno na may apt na porsyento, habang nakakuha naman si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ng dalawang porsyento.

Sa pamamagitan ng face-to-face interviews, isinagawa ang survey sa 2,400 representative adults simula Abril 16 hanggang 21, 2022 na may ± 2% error margin sa 95 porsyentong confidence level.

Read more...