Higit P1 rollback sa diesel, kerosene ipatutupad bukas

By Angellic Jordan May 02, 2022 - 12:11 PM
Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Shell, at Seaoil, may kaltas na P1.15 sa kada litro ng diesel habang P0.65 naman ang tapyas sa kada litro ng gasolina.

Mababawasan din ng P1.15 ang bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Mayo 3).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.