25 patay sa suicide bombing sa Afghanistan

khost afgDalawampu’t lima katao ang patay sa naganap na suicide bombing sa isang mataong lugar na malapit sa Coalition Forces Base sa Eastern Afghanistan.

Sa report na nakarating sa Pentagon, sinasabing gumamit ng car bomb ang hindi pa natutukoy na mga suspects.

Sa lakas ng pagsabog ay halos hindi na makilala ang mga biktima ayon sa hepe pulisya sa Khost Province. Bukod sa mga namatay ay nag-iwan din ng sampu kataong sugatan ang naganap na pagpapasabog.

Kaugnay sa naturang insidente ay kaagad na itinaas ang alert level sa lugar at nagdagdag na rin ng patrolya ang coalition forces sa pangunguna ng U.S Troops./Den Macaranas

Read more...