Pateros, hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 – OCTA
Hindi nakapagtala ang Pateros ng bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bukod-tangi ang Pateros na walang bagong COVID-19 case sa National Capital Region (NCR).
Umabot naman sa 96 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa buong Metro Manila noong Linggo, Mayo 1.
Sa nasabing bilang, 13 na bagong COVID-19 cases ang naitala sa Makati City, 12 sa Manila, habang tig-11 sa Pasay City at Quezon City.
Narito naman ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Pasig City (9)
– Parañaque City (8)
– Caloocan City (5)
– Las Piñas City (5)
– Mandaluyong City (5)
– Taguig City (5)
– Muntinlupa City (3)
– San Juan (3)
– Malabon (2)
– Valenzuela (2)
– Marikina (1)
– Navotas City (1)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.