Ayon sa Phivolcs, kabilang dito ang limang volcanic tremor na tumagal ng dalawa hanggang limang minuto.
Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na 9,123 tonelada kada araw noong Abril 30.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.
Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal.
Ipagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang explosive eruption, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, o pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.