Halos 8.5-M pasahero, naserbisyuhan sa unang buwan ng libreng sakay sa MRT-3
Halos 8.5 milyong pasahero ang naserbisyuhan sa unang buwan ng Libreng Sakay program sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, umabot sa 8,472,637 ang kabuuang ridership ng nasabing linya ng tren mula Marso 28 hanggang Abril 30, 2022.
Sa nasabing petsa, nasa 309,013 ang bilang ng average passengers ng naturang programa tuwing weekday.
Mas mataas ito ng 27.8 porsyento mula sa recorded weekday average na 241,800 simula Marso 1 hanggang 27, 2022, bago sinimulan ang Libreng Sakay program.
Samantala, naitala naman ang pinakamataas na single-day ridership noong Abril 8, kung saan nakapagtala ng 335,993 na pasahero.
Mananatili ang libreng sakay sa nasabing linya ng tren hanggang Mayo 30, 2022 sa buong operational hours mula 4:40 ng madaling-araw hanggang 10:10 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.