Inanunsiyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na higit 24,000 barangays sa bansa ang naideklarang ‘drug free’ dahil sa ‘war on drugs’ ng administrasyong-Duterte.
Sa datos na inilabas ng PDEA sa 42,045 barangays sa bansa, 24,766 ang ‘drug free,’ 6,575 ang ‘drug unaffected’ at 10,704 ang may problema pa sa droga.
Kasabay nito, P88.83 bilyong halaga ng ibat-ibang droga ang nakumpiska simula noong kalagitnaan ng 2016, kabilang ang P76.17 bilyong halaga ng shabu.
Umabot namansa 14,888 high value targets ang naaresto sa mga ikinasang operasyon.
Kasama sa bilang ang 797 drug group leaders / members, 522 kawani ng gobyerno, 400 elected officials, 360 foreigners, 126 uniformed personnel at 24 kilalang personalidad.
Samantala, sa 233,356 anti-drug operations may 6,241 drug suspects ang namatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.