Sa kanyang mensahe, sinabi ni Robredo na ang dignidad ng manggagawa ay hindi nasusukat sa kanyang kakayahan na maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.
“Alahanin natin na sinumang naghahanapbuhay nang buong puso at katapatan ay nakaambag hindi lang sa ekonomiya kundi pati sa pag-abot ng mga pangarap, pagpapatibay ng kapayapaan at katatagn sa mga komunidad at pagpapalakas ng mga nasa laylayan,” sabi nito.
Kailangan aniya, tunay na gawin prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa.
“Sa pagdiriowang natin sa ating mga manggagawa, sabay-sabay tayong humakbang patungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan. Malaya sa gutom, karahasan, katiwalian. Walang Filipinong maiiwan,” diin ng presidential aspirant.