Kapakanan ng mga mga manggagawa gawin prayoridad – VP Leni
Ngayon Araw ng Paggawa, pinapurihan ni Vice President Leni Robredo ang mga manggagawang Filipino.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Robredo na ang dignidad ng manggagawa ay hindi nasusukat sa kanyang kakayahan na maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.
“Alahanin natin na sinumang naghahanapbuhay nang buong puso at katapatan ay nakaambag hindi lang sa ekonomiya kundi pati sa pag-abot ng mga pangarap, pagpapatibay ng kapayapaan at katatagn sa mga komunidad at pagpapalakas ng mga nasa laylayan,” sabi nito.
Kailangan aniya, tunay na gawin prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa.
“Sa pagdiriowang natin sa ating mga manggagawa, sabay-sabay tayong humakbang patungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan. Malaya sa gutom, karahasan, katiwalian. Walang Filipinong maiiwan,” diin ng presidential aspirant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.