DILG pinaalahanan mga kandidato sa pagsunod sa COVID 19 protocols
Isang linggo bago ang araw ng botohan, nagpapaalala pa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga kandidato, partido-pulitikal at lokal na pamahalaan na tiyakin ang pagsunod sa minimum public health standards para maiwasan ang hawaan ng COVID 19.
“We are call LGUs to strictly enforce the Comelec Resolution 10732 that sets tha guidelines on the conduct of campaign activities complying to the health protocols set by IATF,” diin ni Sec. Eduardo Año.
Pinaalahanan din niya ang publiko at ang mga taga-suporta ng mga kandidato na siguraduhin na protektado sila, hindi lamang dahil sa fully vaccinated na sila, kundi istrikto silang sumusunod sa protocols.
Dapat aniya, nakikipag-ugnayan ang organizers sa LGUs at sa mga nagpapatupad ng batas para sa mga kinauukulang hakbang na gagawin para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Kasabay nito, inatasan din ng kalihim ang pambansang-pulisya at mga opisyal ng barangay na tiyakin na nasusunod ang health protocols sa mga aktibidad na may kaugnayan sa eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.