Pilipinas mayroon ng 112 protected areas dahil kay Sen. Cynthia Villar

Bunga ng pagpupursige ni Senator Cynthia Villar mayroon ng 112 protected areas sa bansa.

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulog Duterte  ang limang panukala, na nagdedeklara sa limang lugar sa bansa nilang protected areas sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System.

Kasama sa lima ang Mt, Pulag sa Benguet, Mt. Arayat sa Pampanga, Naga-Kabasalan sa Zamboanga Sibugay, Tirad Pass sa Ilocos Sur ar Banao sa Kalinga.

“The signing of these laws would mean more forest lands; landcsapes, ecologically rich, unique and biologically important areas that are habitats of threatened species of plants and animals, biographic zones and  related ecosystem, whether terrestrial wetland or marine would be protected,” sabi pa ni Villar, ang namumuno sa Senate Committee on Natural Resources.

Noong 2018, isinulong ni Villar ang Expanded NIPAS Act, na nagpatibay sa pagbibigay proteksyon  sa designate protected areas para sa mga darating na henerasyon.

“Uner the NIPAS Acr, it is the policy of the state ‘to secure for the Filipino people of present and future generations the perpetual existence of all native plants and animals through the establishment of a comprehensive system of integrated protected areas,” dagdag pa ng senadora.

Read more...