‘Federalism education’, sisimulan na ni Ex-Senator Nene Pimentel

By Jay Dones May 23, 2016 - 04:54 AM

 

Inquirer file photo

Inumpisahan na ni dating Senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., ang pagbibigay-kaalaman sa publiko sa isyu ng pederalismo o ‘federalism’ na isinusulong ni presumptive president-elect Rodrigo Duterte.

Sa Martes, makakasama ni Pimentel si Batangas governor-elect Hermilando Mandanas na magbibigay ng presentation sa Club Filipino sa San Juan City upang linawin ang mga usapin na napapaloob sa konsepto ng federalism.

Sa ilalim ng ‘Federalism’ na isinusulong ni Duterte at sinusuportahan ng PDP-Laban na siyang partido ng president elect, mapapanatili ang mga ‘congressional districts.

Magkakaroon din ng 66 na senador na kakatawan sa 11 na ‘federal states.

Apat dito ang mula sa Luzon, apat sa Visayas at tatlo sa Mindanao region.

Ang Metro Manila naman ay magsisilbing ‘federal capital’ tulad ng Washington DC ng Amerika na mangangasiwa sa ‘national function’ at hahawak ng national defense at national justice system.

Paliwanag pa ni Pimentel, sa pamamagitan ng ‘pederalismo’ maipapakalat ang mahahalagang serbisyo sa mga itatayong ‘federal states’ sa halip na sa ‘central government’ lamang.

Matatandaang sa kampanya pa lamang nangako na si Duterte na sakaling manalo, sisimulan niya ng maaga ang pag-amyenda sa Konstitusyon upang gawin itong isang ‘federal form of government’.

Naniniwala si Duterte na ang ‘pederalismo’ ang magsisilbing susi upang umasenso at maging mapayapa ang Mindanao region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.