Double pay sa mga manggagawa na papasok sa Mayo 1

By Chona Yu April 30, 2022 - 06:00 PM

Makatanggap ng dobleng bayad ang mga manggagawang papasok sa trabaho sa Mayo 1 o Araw ng Paggawa.

Ayon sa abiso ng Department of Labor and Employment, 200 percent ang matatanggap na sweldo ng mga manggagawa na papasok sa Mayo 1 na isang regular holiday.

Kaya paalala ng DOLE sa mga employer, bayaran ng tama ang mga manggagawa.

Kung hindi naman papasok ang mga manggagawa sa Mayo 1, makatatanggap pa rin sila ng 100 percent na sweldo.

 

TAGS: Araw ng Paggawa, DOLE, double pay, Labor Day, Mayo 1, news, Radyo Inquirer, Araw ng Paggawa, DOLE, double pay, Labor Day, Mayo 1, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.