Presyo ng LPG, bababa sa Mayo 1

Magpapatupad ng malakihang bawas presyo sa liquefied petroleum gas ang kompanyang Petron Corporation sa Mayo 1, 2022.

Ayon sa abiso ng Petron, nasa P5.75 ang rollback sa kada kilo ng LPG.

Nangangahulugan ito ng P63.25 na bawas presyo sa kada 11 kilo na tangke ng LPG.

Inanunsyo rin ng Petron na magbabawas din ng presyo ng P3.22 sa kada litro ng AutoLPG.

Read more...