6,702 na immunocompromised individuals, naturukan na ng COVID-19 second booster shots

By Chona Yu April 30, 2022 - 02:44 PM

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Umabot na sa 6,702 ang bilang ng mga immunocompromised individuals ang nabigyan ng pangalawang booster shots kontra COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center chief at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje, sinusuri pa ng kanilang hanay kung ilan naman sa mga non-immunocomprimised ang nagpaturok ng second booster shots.

Sa ngayon, nasa 67.8 milyon na ang fully vaccinated sa Pilipinas.

Nasa 146.7 milyon naman na bakuna ang naiturok na.

Aminado si Cabotaje na naging matumal at kaunti lamang ang nagpaturok ng booster shots.

Pinag-aaralan na rin aniya ng NVOC ang pagtatayo ng vaccination site sa mga presinto para sa eleksyon sa Mayo 9.

 

TAGS: COVID-19, immunocompromised, Myrna Cabotaje, news, Radyo Inquirer, second booster shot, vaccine, COVID-19, immunocompromised, Myrna Cabotaje, news, Radyo Inquirer, second booster shot, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.