LPA namataan sa Mindanao

By Chona Yu April 30, 2022 - 10:51 AM

Isang low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa Pagasa, maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang LPA sa loob ng 24 oras.

Namataan ang LPA sa 1,110 kilometers east ng Mindanao.

Mababa naman ang tsansa na maging bagyo ang LPA.

Sinabi pa ng Pagasa na hindi makaapekto sa panahon ng bansa ang LPA pero ang Intertropical Convergence Zone ay magdadala ng maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan sa bahagi ng Northern Mindanao, Caraga at Davao Region.

 

TAGS: LPA, Mindanao, news, Pagasa, Radyo Inquirer, LPA, Mindanao, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.