Malawakang lockdown malabong ipatupad pagkatapos ng eleksyon
Walang indikasyon na magpapatupad ang pamahalaan ng lockdown pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 9 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kung sakali mang magpatupad ng lockdown, ito ay granular lockdown lamang.
Tapos na aniya ang pamahalaan sa widespread lockdown o malawakang lockdown.
Una nang nagbanta ang mga eksperto na posibleng tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa mga campaign rally na itinuturing na isang super spreader event.
Sa pinakahuling talaan ng DOH, nasa 184 na bagong kaso ng COVID-19 na lamang ang naitala kahapon, Abril 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.