(Photo: Leo Udtohan/Inquirer)
Matapos ang tatlong araw na paghahanap, tinapos na ng disaster response team ang pagsasagara ng search and rescue operation sa mga biktima ng pagguho ng tulay sa Loay, Bohol.
Ayon kay Anthony Damalerio, provincial risk reduction management officer, nainspeksyon na ang lahat ng mga sasakyan na nahulog sa Clafin Bridge at wala nang indibidwal ang naiulat na nawawala.
Tatlong araw na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad kung saan apat katao ang nasawi at 24 ang nasugatan.
Nakilala ang mga nasawi na sina Michael Ouschan, 30, na galing ng Austria; Arnes Silos na galing ng Dauis, Bohol; Emilia Gemina na galing sa Villalimpia, Bohol; at Epifhany Oñada, 29, mula Tagbilaran City, Bohol.
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Tourism sa UAstrian Embassy para sa mmga labi ni Ouschan.
Nagbakasyon sa Pilipinas si Ouschan kasama ang asawang si Julia par asana mag-honeymoon nang maganap ang aksidente.