Search and rescue operation sa mga biktima ng pagbagsak ng Bohol bridge tinapos na

By Chona Yu April 30, 2022 - 09:10 AM

(Photo: Leo Udtohan/Inquirer)

Matapos ang tatlong araw na paghahanap, tinapos na ng disaster response team ang pagsasagara ng search and rescue operation sa mga biktima ng pagguho ng tulay sa Loay, Bohol.

Ayon kay Anthony Damalerio, provincial risk reduction management officer, nainspeksyon na ang lahat ng mga sasakyan na nahulog sa Clafin Bridge at wala nang indibidwal ang naiulat na nawawala.

Tatlong araw na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad kung saan apat katao ang nasawi at 24 ang nasugatan.

Nakilala ang mga nasawi na sina  Michael Ouschan, 30, na galing ng Austria; Arnes Silos na galing ng Dauis, Bohol; Emilia Gemina na galing sa Villalimpia, Bohol; at Epifhany Oñada, 29, mula Tagbilaran City, Bohol.

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Tourism sa UAstrian Embassy para sa mmga labi ni Ouschan.

Nagbakasyon sa Pilipinas si Ouschan kasama ang asawang si Julia par asana mag-honeymoon nang maganap ang aksidente.

 

 

TAGS: Anthony Damalerio, Arnes Silos, Austria, Bohol bridge, Emilia Gemina, Epifhany Oñada, loay, Michael Ouschan, news, Radyo Inquirer, search and rescue operation, Anthony Damalerio, Arnes Silos, Austria, Bohol bridge, Emilia Gemina, Epifhany Oñada, loay, Michael Ouschan, news, Radyo Inquirer, search and rescue operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.