Epekto ng pagkambiyo ni Kerwin Espinosa sa mga bintang kay de Lima, bahala na ang korte – PDEA

By Jan Escosio April 29, 2022 - 09:14 PM

Ipinasa na lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga korte ang pagtimbang sa maaring maging epekto ng pagbawi ni drug suspect Kerwin Espinosa ng kanyang mga testimoniya laban kay Senator Leila de Lima.

Sa inilabas na pahayag ng PDEA, sinabi ng ahensiya na ang korte lamang ang nakakaalam kung may magiging epekto man ang ginawa ni Espinosa sa drug cases ng senadora.

Nabanggit naman sa pahayag ang sinabi na ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na wala namang epekto sa mga kaso ni de Lima ang pagbawi ni Espinosa sa kanyang mga sinumpaang-salaysay.

Dagdag pa ng PDEA, wala silang kinalaman sa mga isinampang kaso laban kay de Lima, gayundin kay Espinosa.

“The agency is dispassionately interested in uncovering the truth and prosecuting those involved in the illegal drug-trade,” sabi pa sa inilabas na pahayag ng PDEA.

TAGS: DeLimaDrugCase, InquirerNews, KerwinEspinosa, leiladelima, PDEA, RadyoInquirerNews, DeLimaDrugCase, InquirerNews, KerwinEspinosa, leiladelima, PDEA, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.