Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang pagtutok sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kasabay ito nang pag-amin na may pagtaas sa reproduction rate, mula sa 0.82 noong Marso ay tumaas ito sa 1.03 hanggang noong Abril 22.
Ayon sa DOH, maitutiring pa rin itong mababa at idiniin na hindi lamang ang reproduction rate ang pinagbabasehan sa isinasagawang assessment sa mga kaso.
Dagdag pa ng kagawaran, bagamat may pagtaas sa reproduction rate, hindi naman ito nagresulta sa bilang ng mga ginagamot sa mga ospital.
“Severe and critical contribution to admissions have li9kewise remained constant. Further, we have been able to maintain low total and ICU bed utilization rates,” ayon pa sa DOH.
Paalala rin ng kagawaran sa publiko, maaring dumami muli ang mga kaso sa bansa kung babalewalain ang minimum public health standards.
Hinikayat din ang mga hindi pa bakunado na nagpabakuna na, gayundin ang mga maari nang maturukan ng booster shots.