De Lima: Lalabas ang mga katotohanan sa gawa-gawang kaso sa akin
Naniniwala si reelectionist Senator Leila de Lima na malapit ng mapatunayan na tama ang kanyang paulit-ulit na iginigiit na gawa-gawa o imbento lamang ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
Ito ang naging pahayag ni de Lima kasunod nang pagbawi ni drug suspect Kerwin Espinosa sa kanyang mga pagdidiin kay de Lima sa mga pagdinig sa Senado.
“Finally, Kerwin Espinosa, who was used by this Duterte machine under threat and coercion to implicate me in the drug-trade, has admitted that everything he has said about me in the Senate hearing are all lies and that I have nothing to do with the drug trade or with illegal drugs,” diin pa nito.
Dagdag pa ng senadora, ang mga naging pahayag ni Espinosa ay patunay lamang ng mga maaring magawa ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang mga tauhan sa loob at labas ng Department of Justice (DOJ), tulad ng mga gawa-gawang testimoniya at ebidensiya para siya ay mapaghigantihan.
Aniya, dahil pababa na sa puwesto si Pangulong Duterte, maaring asahan na susunod na kay Espinosa ang iba pang mga iniharap na testigo laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.