Sen Tito Sotto, susubukang makuha ang Senate presidency

 

Susubuking makuha ni Senador Vicente ‘Tito’ Sotto ang senate presidency sa papasok na 17th Congress.

Sa kaslaukuyan, may siyam na kapwa senador na ang nagpahayag ng suporta sa pagsusumikap ni Senador Sotto ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na makuha ang posisyon at apat na lamang ang kailangan nito.

Sakaling matuloy, posibleng makaagaw nito sa posisyon sina Senate President Franklin Drilon ng LP o ‘di kaya ay sina Sen. Aquilino Koko Pimentel at Sen. Alan Peter Cayetano ng PDP-Laban.

Si Drilon na vice chairman ng Liberal Party ay posibleng makakuha ng anim na senador na susuporta sa kanya dahil may anim na LP members na uupo sa senado sa pagbubukas nito.

Read more...