Anim na presidential candidates dadalo sa panel interview ng Comelec, KBP
Anim na kandidato lamang sa pagka-pangulo ang dadalo sa panel interview na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) at Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP).
Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, ito ay sina Senador Manny Pacquiao, dating presidential spokesman Ernesto Abella, Labor Leader Leody de Guzman, dating Secretary Norberto Gonzales, Faisal Mangondato at Dr. Jose Montemayor Jr.
Hindi dadalo sina presidential candidates Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno.
Para naman sa Vice Presidential candidates, kumpirmadong dadalo sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Rizalito David, Manny Lopez at Carlos Serapio.
Ang panel interview na ito ay kapalit ng nabasurang “PiliPinas Debates” ng Comelec.
Una ng sinabi ni Garcia na ‘taped as live’ na ieere ang mga interview at walang editing na gagawin.
Ieere ito mula sa Mayo 2 hanggang 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.