Misyonaryong South Korean, pinatay sa loob ng bahay

By Jay Dones May 23, 2016 - 03:57 AM

 

Karumal-dumal ang ginawang pamamaslang ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang misyonaryong South Korean na pinagpapalo nito ng ‘pala’ o shovel sa loob ng kanyang tahanan sa bayan ng Taytay, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Sim Jae-Jok, 57-anyos na sinasabing miyembro ng Jehova’s Witness ay nasawi sanhi ng mga palo sa kanyang ulo ng pala at tangke ng gas sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Supt. Samuel Delorino, ng Taytay Police, kauuwi lamang ng biktima mula sa pagja-jogging Linggo ng umaga nang datnan nito ang suspek sa loob ng kanyang tahanan na nagsisilbi rin nitont kapilya.

Dahil dito, nagpambuno ang dalawa hanggang sa humantong sa pamamalo ng suspek ng pala sa ulo ng biktima.

Tila hindi pa nakuntento, pinalo pa umano ng tangke ng gaas ng suspek ang biktima kahit ito’y nakahandusay na.

Bagamat naisugod pa ang biktima sa ospital aybinawian din ito ng buhay.

Ayon sa ilang saksi, nakasuot ng ‘hoodie’ ang suspek ngunit nakilala pa rin nila ito na residente rin ng kanilang lugar. Hinala ng mga otoridad, pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang laptop at wallet nito sa crime scene.

Tinutugis na ng mga otoridad ang salarin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.