Hamon na one-on-one debate ni Robredo, tinanggihan ni Marcos

By Angellic Jordan April 29, 2022 - 03:29 PM

“Hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan.”

Ito ang naging pahayag ng kampo ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagtanggai sa hamong one-on-one debate ni Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, batid ni Robredo ang mga dahilan kung bakit.

“Nauunawaan ko ang kabiguang naramdaman ni Ginang Robredo na makaharap sa isang pagtatalo at bangayan si presidential frontrunner na si Bongbong Marcos,” saad nito.

Maari aniyang magkaiba ang paniniwala nina Marcos at Robredo hinggil sa pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa mamamayan.

Positibong pangangampanya at walang paninira aniya ang gabay ng UniTeam, kung saan deretso aniya sa taumbayan ang mga mensahe at panawagang pagkakaisa.

“Pawang mga negatibo, panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng dilawan,” ani Rodriguez.

Dagdag nito, “Sa panahon ng krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya ay malaking ginhawa marahil sa naghihirap na mamamayan ang makitang kalmado lang na nangangampanya at hindi nag-aaway at nagsisiraan ang mga taong naghahangad na mamuno sa bansa.”

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, BBM, debate, InquirerNews, Leni Robredo, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, BBM, debate, InquirerNews, Leni Robredo, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.