Comelec spokesman James Jimenez at isa pang opisyal, ni-relieve sa puwesto

By Chona Yu April 29, 2022 - 02:33 PM

Pinare-relieve na muna sa puwesto ni Commission on Elections Commissioner Rey Bulay sina Directors James Jimenez at Frances Arabe.

Ito ay matapos masangkot ang dalawa sa hindi nabayarang P14 milyong utang sa Sofitel Hotel para sa nakaraang mga presidential at vice presidential debates.

Ayon kay Bulay, mas makabubuting i-relieve na muna sa puwesto sina Jimenez at Arabe para matiyak na magkakaroon ng impartial na imbestigasyon sa nangyaring gulo sa “Pilipinas Debates 2022.”

Bawal na munang makialam sina Jimenez at Arabe sa mga trabahong may kinalaman sa media relations at exposure.

Si Bulay ang naatasang mag-imbestiga sa “Task Force Pilipinas Debates 2022 Fiasco.”

Ibinigay na ni Bulay ang kanyang rekomendasyon na i-relieve sa pwuesto sina Jimenez at Arabe kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.Inirekomenda ni Bulay na magtalaga muna ng temporary replacements sa mga puwesto nina Jimenez at Arabe para maipagpatuloy ang trabaho.

Gayunman, ayon kay Bulay, maari pa namang ipagpatuloy nina Jimenez at Arabe ang ibang trabaho pero kailangang nasa ilalim ng supervision ng kani-kanilang committee heads para hindi maantala ang election operations.

Sina Jimenez at Arabe ay parehong nakatalaga sa Education and Information Department.

 

TAGS: Frances Arabe, James Jimenez, news, Pilipinas Debate, Radyo Inquirer, relieved, Rey Bulay, Frances Arabe, James Jimenez, news, Pilipinas Debate, Radyo Inquirer, relieved, Rey Bulay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.