Dengue outbreak sa ilang probinsya, nakakabahala – Legarda
Nakakabahala ang paglaganap ng sakit na dengue sa apat na rehiyon sa bansa, ayon kay senatorial candidate at House Deputy Speaker Loren Legarda.
Kabilang dito ang Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao Region.
Ayon sa mambabatas, dapat maging alerto sa mga sintomas ng dengue katulad ng mataas na lagnat, sakit ng ulo, pagpapantal, at pananakit ng katawan.
Aniya pa, mainam na pumunta agad sa ospital dahil maaring ikamatay ang dengue ng sinumang dapuan nito kung hindi agad maagapan.
Dapat din aniyang tiyaking malinis ang kapaligiran para makaiwas sa anumang karamdaman, gaya ng naturang sakit.
Bilang isa sa mga sponsor ng Universal Health Care Act, nais ni Legarda na suriin ng Kongreso ang implementasyon ng nasabing batas upang matulungan ang mga taong kailangang dalhin sa ospital dahil sa dengue.
Dapat palagi rin aniyang prayoridad ng gobyerno ang kalusugan ng bawat Pilipino at dapat na patuloy ang suporta sa mga programa ng gobyerno na nagbibigay ng tulong medikal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.